Talk Tagaglog | Test Episode – Aldub Fever

Share:

Talk Tagalog - Learn Tagalog the Natural Way

Education


“AlDub Fever” - Higit sa Pagpapakilig at Social Media Trending, Isa Siyang Pagsasabuhay ng Kulturang Pilipino Lesson Type: Listening Comprehension with Contextual Video Difficulty Level: Maharlika (Intermediate) Makailan na bang beses bumida mga Pinoy sa international scene? Mula sa peaceful EDSA revolution, ilang kalamidad, hanggang sa mga beauty queens, singing sensations, at ngayon ay meron na naman - ang “AlDub Nation”. Ang komunidad na ito ay kinikilala ngayon hindi lamang sa Pilipinas, ng mga Pinoy sa iba’t ibang parte ng mundo, sa social media (kung saan ang huling pagsasama-sama ay umani ng record breaking na 41 million tweets ) at maging ang mga tanyag na news organizations na tulad ng BBC at CNN. Ang AlDub ay ang pinagsamang pangalan ng baguhang actor na si Alden Richards at ang tinaguriang “ Dubsmash Queen” na si Maine Mendoza na gumaganap bilang Yaya Dub sa ngayon ay patok na segment sa pinakamatagal na noontime show na Eat Bulaga. Sa isang hindi inaasahan at hindi pinagplanuhang insidente ay nabuo ang hinirang na phenomenal love team nina Alden at Yaya Dub at nagbigay daan sa segment na “ Kalyeserye” na ang ibig sabihin ay drama serye sa kalsada. Ito ay isang pagsasadula na live na ginagawa ng mga artista ng programang ito sa kalsada ng iba’t ibang lugar na kanilang pinupuntahan araw- araw upang mamigay ng mga papremyo. At dahil sa team up na ito ay nabuhay na muli ang mga sinaunang kaugalian ng mga Pinoy pagdating sa pagliligawan at pag-ibig. Ang ilan sa mga ugaling ito na tilang natabunan na ng modernong panahon, katulad ng : Pagiging mahinhin at pakipot ng kababaihan Ang dalagang Pilipina ay kilala sa dalawang katangiang ito. Subali’t sa paglipas ng panahon ay nagbago na ang pamamaraan at pagkilos ng dating Maria Clara na sagisag ng kapinuhan. Ang mga Pinay ay kilala rin sa pagiging pakipot kung saan ang tunay na nararamdaman , lalo na sa harap ng kalalakihan , ay tinatago, na siyang ibang –iba sa pagiging palaban at mapusok ngayon . Panunuyo at paninilbihan ng manliligaw Ang pagsusuyuan noong unang panahon, ay hindi dinadaan sa pagtetext o pagtatagpo sa kanto lamang. Ang lalaki ay nanunuyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng bulaklak at iba pang mga regalo, pagdalaw sa bahay ng babae , pagharap sa mga magulang ng liniligawan, at ang paninilbihan. Ang paninilbihan ay isang pagpapakita ng kagustuhan at kahandaang gumawa ng mahihirap na mga bagay tulad ng pag-iigib ng tubig o pagsibak ng kahoy para sa minamahal na babae. Pagrespeto sa mga nakatatanda Ang pagpasok sa relasyon noon ay may tamang paggabay ng magulang . Mula sa panliligaw hanggang sa pagpasok sa relasyon ay naka-alalay ang mga magulang . Ito ay isang pagpapakita kung gaano kalaki ang paggalang nating mga Pilipino sa ating mga magulang o kapamilyang nakatatanda. Paghihintay sa “ Tamang Panahon “ “ Sa tamang panahon" ang paboritong linya ni Lola Nidora , ang tumatayong tagapangalaga ni Yaya Dub. Isa itong pagpapakita ng angking ugali ng Pilipino na pagiging matiisin, matiyaga, ay may pananamplalataya sa Diyos na ang lahat ng ating ninanais ay kanyang ibibigay, kalian pa ? Kundi sa tamang panahon. Dahil sa paglalagay ng ganitong mga magagandang kaugalian sa kanilang palabas ay umani na rin ng maraming pagpupuri ang AlDub love team, si Lola Nidora at ang Kalyeserye, mula sa mismong mga kabataan, sa kanilang mga magulang, guro, taga media, mga pari at ang kanilang samahan na tulad ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP. English Translation : “AlDub Fever” – More than the Giddiness and Social Media Trending, It is the Filipino Culture Brought to Life How many times have the Pinoys starred in the international scene? From the peaceful EDSA revolution, some calamities, to the beauty queens, singing sensations and now there is another one – AlDub Nation. The community is being recognized now, not only in the Philippines, by Pinoys in the different parts of the world,