Religion & Spirituality
Galit ba ang Diyos sa akin? Marahil naitanong na ninyo ito nang makailang ulit. Kasabay ng ating pagtatanong ay ang pag-iisip sa mga kaparusahang maaaring iganti sa atin ng Diyos dahil sa ating mga kasalanan at pagkukulang. Ang impyerno na nga ba ang siyang kahihinatnat ko? Galit ba ang Diyos sa akin kaya ako minamalas sa buhay? Pinabayaan na ba ako ng Diyos nang tuluyan?