Society & Culture
Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi katulad ng pagmamahal ng mundo—ito ay walang hanggan, tapat, at hindi nagbabago anuman ang ating pinagdadaanan. Sa episode na ito ng Genuine Talks, pag-uusapan natin ang lalim ng Kanyang pagmamahal, paano natin ito mararanasan sa gitna ng pagsubok, at paano tayo tinutulungan nitong lumago sa pananampalataya.
Ibabahagi ko rin ang aking sariling kwento—kung paano ko naramdaman ang walang sawang pagyakap ng Diyos sa mga panahong pakiramdam ko’y nag-iisa ako.
Halina’t mag-usap, magnilay, at palakasin ang ating pananampalataya. Dahil sa anumang season ng ating buhay, isang bagay ang sigurado—Mahal ka ng Diyos!
#GenuineTalks #PagibigNgDiyos #FaithAndLove #UnchangingLove #GodIsFaithful