Education
Isa ka rin ba sa nabudol nang sandamakmak na courses online? Yung tipong atat na atat kang bilhin yung course pero once nabili mo na, hindi mo naman binubuksan tapos kapag nakakita ka ng bago bibili ka uli. Naku naku, madami na ang nabudol dyan at hindi ka nag-iisa. Yung isa ko ngang kakilala umabot nang 200k yung nagastos in one year sa pag-avail ng courses online. O diba, ang taray! Tara, samahan mo kami as we talk about what course hoarding is and ano nga bang pwede mong gawin kung may habit kang ganto. In this episode, our main kakudaan Sheryl LD is joined by her friends to give light sa kung anong mindset nga ba ang kailangan natin when it comes to availing courses. Masama nga bang mag-course hoarding? And ano bang mapupulot natin sa pagkuha ng iba’t ibang courses? Lahat nang yan ay masasagot sa episode na’to. So, ano nga bang ganap for this week’s episode? 1. Advice para sa mga taong mahilig mag-course hoard. 2. Anong mindset ba ang kailangan bago ka mag-avail ng course. 3. Pros and cons ng pagkuha ng madaming courses. 4. What is herd mentality? 5. How can you course correct? I-ready mo na ang popcorn mo kakuda dahil alam naming madami ka talagang matututunan sa episode na’to dahil punong puno ito ng value bombs at gems! Taray! Kung nag-enjoy kayo sa kudaan namin this episode, you can follow and subscribe to this show para ma-notify kayo pag may bago kaming episode. Follow our FB Page & Instagram account para updated ka! FB Page: Madami Akong Kuda - The Podcast IG Account: @madamiakongkudapodcast You can also share your experiences and opinions related to our kuda, just tag us and use the hashtag #MadamiAkongKudaThePodcast.