Budol Coaches/ Fake Gurus

Share:

Listens: 0

Madami Akong Kuda - The Podcast

Education


Narinig mo na ba yung chika na may nag-invest daw ng 110k sa isang coaching program tapos ending nganga? Naku, naku lakas makabudol ha! Eh ikaw, takot ka din bang mabudol? Kung oo, same here.  Kaso ang tanong, magaling ka ba namang maka-spot ng red flags? Kung hindi ang sagot mo, naku mahirap ‘yan. Tara tambay ka muna sa mga kuda naming may kwenta sa episode na ito. In this episode, our main kakudaan Sheryl LD will have a panel discussion on budol coaches with her freelancer friends Ivy, Moreen, and Nikki B. Na-target ka na ba ng mga ads sa social media ng iba’t- ibang coaching services? Ang enticing ng offers nila diba? Mapa-aspiring ka pa lang or seasoned freelancer na, madami sa atin ang naghahanap ng mentors na tutulong sa ating freelancing journey. Alam naming hindi biro ang maglabas ng pera para sa mga coaches kaya naman we’re here to share our experiences and observations. Ano bang meron for this week’s kudaan? Mga signs na dapat iwasan para hindi mabudol Advice para sa mga taong naghahanap ng mentors Ready your pen and papers mga kakuda lalo na ang puso at isipan sa maiinit na usapan at tadtad ng blind items na episode na ito! Kung nag-enjoy kayo sa kudaan namin this episode, you can  follow and subscribe to this show para ma-notify kayo pag may bago kaming episode. Follow our FB Page & Instagram account para updated ka! FB Page: Madami Akong Kuda - The Podcast IG Account: @madamiakongkudapodcast You can also share your experiences and opinions related to our kuda, just tag us and use the hashtag #MadamiAkongKudaThePodcast.